Thursday, July 22, 2010

Sana hindi mo nalang sinabi...

Nakakamiss yung time na yun.

Yung hindi tayo nagkakahiyaan mag-usap, magbiruan at magtawanan.
Ang saya ko pag kinakausap mo ko.

Naalala mo pa ba yung time na may pinakinig ka saking music? :)
Naisip ko, para sakin ba yung message ng kanta?

Yung time na, magkatext tayo hanggang madaling araw at nagkkwentuhan ng mga bagay2 nung pagkabata natin.
Yun bang pagnagtext ka na kahit antok na antok ako e gigising ako para mareplyan ka.

Gusto ko ng bumigay at isuko lahat para sayo. Dahil habang tumatagal napapamahal ako sayo.
Ako na nagbibigay ng sign na parang "Cge, pwede na" pero lumalayo ka.

Isang beses, nagtanong ka.. "sino ba crush mo?"
Sabi ko, "ikaw!" hindi ako nagdalawang isip.
sabay tanong ko, "e ikaw, sino ba crush mo?"
sabi nya, "ikaw dn!"

Nagulat ako, pero alam nyang di pwd dahil may present bf ako.
Mula nun lumayo na sya.
Masakit man sakin, pero naisip kong tama ang ginawa nya.

Nung nakita kmi, ramdam ko ang hiya saming dalawa.
Pero mas lalo na sya. Di na nya ko kinakausap.
Kung kausapin man nya ko, kung kailangan lang talaga.

Whew! Pero, naka move on na ko.


-wowa
http://www.facebook.com/profile.php?id=100000064416480

No comments:

Post a Comment