Thursday, July 1, 2010

Uy si crush! ♥_♥

Ang pagkakaroon ng crush ay isang normal na pakiramdam o paghanga sa isang tao. Mapa babae, lalaki, bakla o tomboy.

Pag si crush mo ay classmate mo, ganado ka mag-aral. Dahil ang inspirasyon mo malapit lang sayo. Isang sulyap lang, solve na.

Pag si crush mo ay schoolmate mo, may pagkakataong aalamin mo ang schedule nya, kung saan sya umuuwi at syempre hindi pwedeng hindi ka dumaan sa room nya. Magpapapansin lang kumbaga.

Pag si crush mo ay kapitbahay mo, aba! Ang aga-aga nasa tapat ka na ng bahay nila. Hinihintay mo syang lumabas. At anytime pwede mo syang makita. Malas mo lang kung lumipat sila ng bahay. :(

Pag si crush mo friend mo, tsk. konting distansya dude! Syempre, baka masira ang friendship. Itatago mo nalang ito sayong sarili or sasabihin sa close friend mo para masabi ang nararamdaman mo sa kanya.

Pero tandaan, ang crush ay isang paghanga lamang. May pagkakaiba to sa salitang mahal.

-May crush din ako sa school, si *toot* (haha!) friend ko sya mula first yr. collage until now. Nag aminan na kami, pero dahil nga sa may kinikeep namin ung friendship, mas minabuti nalang namin na mas ok pa maging friends nalang.

Basta, natutuwa ako pag nakikita ko sya, lalo na pag kinakausap nya ko. Lalo na pag nagtatatanong sya or nagpapaturo ng assignment sakin. haha! pinapakopya ko na! :))

Sabi ko sa sarili ko: Badtrip ka! (Bat kasi kinikilig ako sayo?!)

--Admin Wowa--

No comments:

Post a Comment